Friday, February 22, 2013

Eleksyon 2013


Mga matang nakamasid,
Mga taingang nakaririnig, 
Ngunit tinikom ang bibig
Ng takot na nanaig.

Kailan...
Kailan kaya ang taong bayan, 
Titindig para sa kinabukasan
Ng ang hinaharap ay abangan?

Pilipinas ay umunlad,
Iyan ang hinahangad.
Ngunit hangari'y 'di sapat,
Kapag pagbabago'y 'di tinahak.

Tiyansang pagbabago'y parating,
Sana'y huwag isantabing.
Mga kandidato'y kilalanin,
Ng kapahamaka'y hindi sapitin