Bilang estudyante, hindi ko maikakaila na ang bakasyon ay
talagang iniintay ko. Ito ang itinuturing kong pabuya para sa paghihirap na
pinagdaanan ko sa nakaraang akademikong
taon. Ang mga larawan sa ibaba ang mga nagdaang bakasyon na naranasan ko kasama
ng aking mga kapamilya. Habang bakasyon, dito ko mas nakikilala at nagiging kalapit ang pamilya ko mas lalo na kapag nag-iintay kami ng eroplano o barko.
Ang pinaka-ikinasisiya ko sa bakasyon ay ang pagkalapit ko
sa kalikasan. Dito, nadidiskubre ko talaga ang tunay na kagandahan ng
kalikasan. May mga lugar na lingid sa kaalaman ng iba, at ikinasisiya ko na isa
ako sa kaunting mga tao na nakaaalam ng lugar na iyon katulad na lamang ng
Estrella Falls sa Palawan.
Palapit na ang bakasyon ng unang taon ko sa kolehiyo. Ako ay nanghihinayang at nalulungkot na dalawang linggo lang ang bakasyon sa halip ng dalawang buwan. Pero sabi nga sa Ingles, "Everything changes". Lahat ay nagbabago at isa lamang ito sa maraming pang mga bagay na magbabago sa buhay ko. Ang kolehhiyo ang simula ng panibago kong buhay ang nais ko lang ay sana wala akong pagsisihan sa panibagong buhay na tatahakin ko.
No comments:
Post a Comment