Friday, March 15, 2013

12:20 P.M

©Zayed Aldrin Tan
 
12:20 P.M. SA CTC 205 TUWING

 MONDAY, WEDNESDAY AT FRIDAY

- Zayed Aldrin Tan
                                              Dingdong! Kampanilya’y biglang tumaginting.
                                              Cactus, mga tinik sa ‘ming dibdib, dumating,
                                              Takda ng aming pagsubok,isang piging,
                                              Calamansi, pumatak sa matang lasing,
                                              Dingdong! Ang lahat, biglang napahalinghing.
                                              205, numerong nakaduduling,         
                                              Dingdong! ‘yan ang hinihintay ng mga praning.
                                              Sinusubok ang lahat, pinaniningning.
                                              Ehersisyong mahirap, nakalilibing.
                                              Cactus, tinik sa dibdib muling dumating,
                                              Talagang sinusubukan, aming galing!
                                              Isipin at makinig, may mararating,
                                              O tumulala’t dumungaw, parang kambing.
                                              Ngunit iba’y nanawagan, parang supling.
                                              Dingdong! Kumalma sa wakas, mga butanding.
                                              Uusbong, baon ang araling malambing,
                                              Uunlad, patuloy lalago ang sining.
                                              Dingdong! Kampanilya’y muling tumaginting.
 
 
12:20 P.M

Kampanilya’y tumaginting.
mga tinik sa ‘ming dibdib dumating,
Takda ng aming pagsubok, isang piging,
Dingdong! Ang lahat, biglang napahalinghing.
Dingdong! ‘yan ang hinihintay.
Sinusubok ang lahat, pinaniningning.
tinik sa dibdib muling dumating,
Isipin at makinig,
O tumulala’t dumungaw.
Dingdong! Kumalma sa wakas.
Uusbong.
Uunlad.
Dingdong! Kampanilya’y muling tumaginting.
 

Saturday, March 9, 2013

Umis sa halip ng ngiti



Umaabot hanggang tainga o kahit bahagya lamang, ang ngiti ay hindi nawawala sa buhay ng mga Pilipino. 

Marami mang mahirap sa ating bansa, ang pagngiti ay hindi pa rin kinalilimutan ng ating mga kababayan.

Ito ang tatak ng mga Pilipino, ang ngiti. Sa paggamit ng salitang ngiti, nasa bingit na ng pagkabura ang isa pang salitang tagalog para sa ngiti, ang umis.

Sa mga nakababasa nito ngayon, sana gamitin natin ito. Ang ating mayamang bokabularyo ay unti-unti ng nababawasan dahil sa paggamit natin ng mga pangkaraniwang salita. Itaguyod natin ang sariling atin  at huwag nating pagbayaang ma-ibaon ito sa limot.

"Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling" - Ngiti ni Ronnie Liang



U
maabot hanggang tainga o kahit bahagya lamang, ang ngiti umis ay hindi nawawala sa buhay ng mga Pilipino. 

Marami mang mahirap sa ating bansa, ang pagngiti pag-umis ay hindi pa rin kinalilimutan ng ating mga kababayan.

Ito ang tatak ng mga Pilipino, ang ngiti umis. Sa paggamit ng salitang ngiti, nasa bingit na ng pagkabura ang isa pang salitang tagalog para sa ngiti, ang umis.

Sa mga nakababasa nito ngayon, sana gamitin natin ito. Ang ating mayamang bokabularyo ay unti-unti ng nababawasan dahil sa paggamit natin ng mga pangkaraniwang salita lamang. Itaguyod natin ang sariling atin at huwag nating pagbayaang ma-ibaon ito sa limot.

"Sa iyong ngiti umis ako'y nahuhumaling" - Ngiti ni Ronnie Liang


Thursday, March 7, 2013

Bakasyon

Bilang estudyante, hindi ko maikakaila na ang bakasyon ay talagang iniintay ko. Ito ang itinuturing kong pabuya para sa paghihirap na pinagdaanan  ko sa nakaraang akademikong taon. Ang mga larawan sa ibaba ang mga nagdaang bakasyon na naranasan ko kasama ng aking mga kapamilya. Habang bakasyon, dito ko mas nakikilala at nagiging kalapit ang pamilya ko mas lalo na kapag nag-iintay kami ng eroplano o barko.






Ang pinaka-ikinasisiya ko sa bakasyon ay ang pagkalapit ko sa kalikasan. Dito, nadidiskubre ko talaga ang tunay na kagandahan ng kalikasan. May mga lugar na lingid sa kaalaman ng iba, at ikinasisiya ko na isa ako sa kaunting mga tao na nakaaalam ng lugar na iyon katulad na lamang ng Estrella Falls sa Palawan. 





Palapit na ang bakasyon ng unang taon ko sa kolehiyo. Ako ay nanghihinayang at nalulungkot na dalawang linggo lang ang bakasyon sa halip ng dalawang buwan. Pero sabi nga sa Ingles, "Everything changes". Lahat ay nagbabago at isa lamang ito sa maraming pang mga bagay na magbabago sa buhay ko. Ang kolehhiyo ang simula ng panibago kong buhay ang nais ko lang ay sana wala akong pagsisihan sa panibagong buhay na tatahakin ko.