Ang imahen sa itaas ang nagsasaad ng aking pananaw hinggil sa pagtula noon at ngayon. Ito ay nahahati sa dalawang bahagi: ang kaliwang bahagi at ang kanang bahagi. Ang nasa kaliwang bahagi ng imahen ang nagsasaad ng pagtula noon at ang sa kanan naman ay ang pagtula sa kasulukuyan.
Makikita sa imahen sa itaas na may isang tao sa sentro. Ang nakaguhit na tao ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang nasa kaliwang bahagi ay nakaguhit gamit ang kulay puti. Ito ay nakaguhit na puti dahil sa pagkawalang-malay ng mga tao sa iba-ibang estilo ng pagtula. Sa kanang bahagi naman, ito ay nakaguhit ng dilaw dahil ito ay kakulay ng araw. Ang araw ay sumisimbolo ng bagong pag-asa o pagkakataon.
Ang tao sa dalawang bahagi ay napalilibutan ng isang bilog. Ang bilog na ito ang kumakahon sa lahat ng elementong ginagamit ng mga manunulat sa pagsusulat ng tula. Sa madaling salita, ang bilog na ito ang sumisimbolo ng pormalistikong paraan ng pagsusulat. Kaya naman sa kaliwang bahagi ng bilog, ito ay buong buo dahil ang mga tula noon ay laging may sukat, tugma, atbp. Samantalang sa kanang bahagi naman, makikita na ang isang bahagi ng bilog ay pinutok ng manunulat. Mula roon lumabas ang iba't ibang elementong bumubuo sa pormalistikong paraan ng pagsusulat .
May bako-bakong linya sa kanang bahagi ng imahen, ito ang sumisimbolo sa iba-ibang estilo ng pasusulat. Ito ay bako-bako dahil walang iisang anyo ang makabagong pagsusulat, ngunit ito ay pumapaloob sa mga elementong ito dahil ito ay may iisang layunin at iyon ay ang pagnanais na maging iba.
Ang panghuli ay ang kulay sa likuran ng imahen. Sa kaliwang bahagi ng larawan ay ang kulay na itim. Simbolo ito ng pagiging "kept-in-the-dark" ng pagtula noon. Samantalang ang kulay sa kanang bahagi naman ay ang kulay na puti, na aking naunang naipahayag, na sumisimbolo sa pagkawalang-malay o ang pagkamalinis. Dahil ito ay malinis, madali itong sulatan ng pagbabago. Madaling makita ang mga bagong bagay na pilit ihinahayag ng mga tula.
Hindi malinaw ang noon at ngayon ng pagiging tula sa larawan, maliban sa paglalagay ng mga salita sa kanang bahagi, na sa isang banda'y namamayani naman noon hanggang ngayon. Kapag piniling orihinal na larawan o guhit ang ipinasa, tatayain ito sang-ayon sa kahusayan ng larawan, tulad ng paggamit ng kulay, paglalaro sa liwanag, perspektibo, testura, at iba pa, upang mapalitaw ang idea o konsepto. Kasama na rin dito ang hayag na kahirapan ng pagkakabuo ng larawan.
ReplyDelete